Sunday, September 20, 2009

[:)] "EDT(batch14): Misconceptions"

Yes! Hindi pa ako late.

*napatingin sa bagong dating*
 Vee!

Kayo pa lang pong dalawa?
Anong oras na ah.. asan na po yung iba?

Yung iba nasa Trinoma pa raw...

Haha... Akala ko, late na ako eh.

Actually,
late ka naman talaga eh...
nagkataon lang...
mas late sila.

...

[:D] AKO MISMO (PART-4) : "Kamalasan"

AKO: Kuya...
AKO: Isa nga pong--
SIYA: Sorry ser sarado na po kami.
SIYA: *sinara ang stall*

~WAKAS~
AKO: *nagtoothbrush naman ako ah*

Wednesday, September 9, 2009

[:D] "Artifice Part 2 - now on YouTube!"

Click the image below to watch the video on YouTube:


ENJOY! [xD]

[:)] "Artifice Part 2 - coming soon"


The sequel to the crappiest magic video ever created is now under edifice [:D]

You guys still remember "Artifice"? ...the cheap home video of me performing lousy magic tricks on playing cards and loose change? Well, guess what, i just made another one [xD]

..this time featuring pure card manipulation tricks. Which means no more clumsy coin magic. Just card-out-of-thin-air-then-turns-into-another-card-and-suddenly-vanishes kind of tricks..[;P]


If Artifice didn't blow you away the first time...
...surely, there's always room for a second chance! [xD]

If you don't have any idea about Artifice...
click the image below to see Part -1:
-
"...That's the thing with magic. You've got to know it's still here, all around us, or it just stays invisible for you.”

Tuesday, September 8, 2009

[:)] "EDT(batch14): AwitPinoy"

"You might as well dance..."

Sunday, August 23, 2009

[:)] "EDT(batch14): GIF TIDBITS"

"HEADSTAND sa GRANDSTAND" [xD]

"MGA TAKAS sa MENTAL" [:o]

"7 SECONDS of MADNESS" [:D]
"Dancer ka nga... Engineering ka ba?" ~EDT_Apprentice [xD]

Saturday, August 22, 2009

[:)] "HOW TO DEAL WITH WATER-BASED PAINT STAIN ON FABRIC... the brian way"

Recently, i was faced with a dilemma that utterly challenged my philosophies in life. It was problem so convoluted, i had to transcend the borders of logic just to resolve it. It was dreadful. Horrible. And since I care about my readers so much [xD] I made this new section to my blog: "D.I.Y. the Brian Way" So that you don't have to experience all the hassle I had to go through in my day just in case you encounter the same trouble.

So, without further ado, here is...


HOW TO DEAL WITH WATER-BASED PAINT STAIN
...the Brian way [:D]

BACKGROUND:

One day, as he was painting paradise on a large piece of canvass, he accidentally dripped bright yellow paint on his favorite pair of training shorts. Knowing the paint he was using is actually water-based, and comes off easily on skin even without soap, he didn't give much concern.

A few hours later, he decided to wash off the blemish using detergent powder. To his surprise, no matter how hard he tried, the stain didn't seem to show any signs of shaking off.

Exasperated, he opened his laptop, hooked up the net, and googled for a solution to his problem. Ironically, every HOW-TO article he saw, emphasized one vital directive. That is, to never let the paint dry out, or else, removing the stain would be next to impossible.

And it was true. It barely came off.

So he grabbed his pair of shorts. Stared at the blot for a few moments. Closed his eyes. And contemplated on the best course of action he could probably come up with. And this was what he thought...


INSTRUCTIONS:

1. Stare at the imperfection you have made for at least 10 seconds.

2. Pest yourself asking why in the world would anyone in the right mind let a paint stain dry.

3. If you are not irritated enough, repeat steps 1 and 2. Once convinced that you are truly one daft individual, continue to step 4.

4. Think of a proverb. If you don't know one, invent.

5. Utilize your daftness, and use your proverb to formulate your very own stupid, yet original, way to solve the problem.

6. Carry out your ingenious plan.

7. Celebrate your stupidity. Treat yourself a candy or two.


...so, wonder what i proverb i came up with? [:D] Read on:


THE Brian WAY:

MY PROVERB: "If you can't beat them, join them"

MY COURSE of ACTION: Since the yellow paint really stood out on my gray training shorts, and considering the fact that water-based paint, when dry, hardly ever come off of fabric, I decided to patch up the stain using... dandaradan! GRAY WATER-BASED PAINT! Yeah... and using brown paint to add the fine details, I was actually able to cover the blemish using another beautifully painted blemish. You judge...

BEFORE:

AFTER:

Am I not stupid or what? [:D]
"Only a diamond can scratch a diamond"

[:o] "Bakit walang pasok ngayon"


ANY QUESTIONS?! XD
Pictures courtesy of Earl Christian Uy of 4AR1.
Taken today, 22-Aug-2009.

Wednesday, August 19, 2009

[XD] "Karatula Madness: Usapang wiwi (EPISODE 1)"

Kahit saang sulok ng mundo.. kahit sa anong bansa.. basta may karatula.. tiyak! Hindi mawawala ang rong sfelling at wrong gramming [xD] Kaya't hanggat hindi pa bumibigay ang bulok kong selpon.. hanggat may space pa sa memory.. at hanggat bawal omehi dito.. asahan niyong meron kayong susubaybayang kalokohan mula sa blog na ito. Ito ang rip-off ng funny signs... Just Brian version [:D]

Episode 1: "Karatula Madness: Usapang Wiwi"

> Public toilet sa bus terminal ng San Fernando, Pampanga... Hanapin ang Mali [:P]


> Karatulang nakadikit sa pintuan ng cubicle sa CR ng SM Harrison...Gusto ata, sa lababo kami jumingle [xD]


> Sa isang liblib na lugar sa Vito Cruz... Isang karatula para sa mga hindi nakakaindindi ng Taga-log [:D]


> Sa tabi ng kalsada (habang naghihintay ng bus pauwi)... Oo, wala kang ligtas.. Kahit sa taas.. bawal [xD]


BONUS KARATULA: Isang paalala na nakapaskil sa bawat floor ng Monte Carlo Suite kunsaan ako naninirahan ngayon. Bawal daw talaga kasi ang vandalism dito eh [:P]


...inspired by KIKOMACHINE's "Mga Karatulang Hango sa Tunay na Buhay"

Saturday, August 15, 2009

[:o] "SAW VI"

To one and every all of Jigsaw fanatic. Clap yourselves...
Because now today, we have a something to celebrate!
"SAW VI" will be gonna out for October already!
This will gonna be fun, don't you?
Hehe! As a matter in fact.. I cannot wait!
Do you can?

CLICK HERE to saw the Official Movie Website :D

Friday, August 14, 2009

[:)] "Bagong Trip Lang... Nothing out of the ordinary"

Naisip ko ang ideyang 'to kahapon, habang nakatunganga sa jeep. Trapik kasi 'nun at, dahil pagod, hinayaan ko munang magtravel ang utak ko sa ibang plane of existence. Kunsaang dimension ng kakornihan ko napulot ang kaek-ekang 'to ay hindi ko talaga alam. Kaya naman without further ado: ibinibigay ko senyo ang... tantananan! "BOXFACE: Label Posting System"!


Gamit ang BoxFace smileys (na ilalagay ko sa label section at sa umpisa ng bawat post title), magkakaroon na ng idea ang kunsino mang masuwerteng kaluluwang maliligaw sa blog na ito, about sa mood o content ng kahit anong blog post na kanyang masisilayan. Eto ang ilan sa mga smileys na maaari kong gamitin:

NOTE: Ang listahan sa baba ay nagbabago over time. Kapag may bago akong naisip, idadagdag ko. Kapag may hindi na nagagamit, buburahin ko ang existence, never to be seen again... Ever.

[:)] CASUAL POST, tulad nitong entry na 'to, ang mga post na labeled casual ay maglalaman ng mga informal messages at updates na galing sa inyong lingkod, Ako.

[:D] KWENTONG V, ang mga post na maglalaman ng smiley na 'to ay iyong mga fictional at non-fictional entries na pinopost ko para mabigyang identity ang blog na ito. Posts na "Just Brian" ...nothing out of the ordinary. can also be: [8D]

[: |] PA-DEEP KUNO, mga posts na tila nagpapaka-deep, emo-emohan ang dating.

[;P] WITTY POST, mga posts na pinag-isipan at nakakaloko. Madalas double-meaning. Minsan triple. hehe.. can also be: [:P]

[:o] HOW SHOCKING! POST, mga entry na interesante, agaw-pansin, interesting at attention-grabbing...

[:S] BAMBOOZLES , mga posts na kahit ako ay nahihirapang i-comprehend. Out of this world ang kawirduhan. Makalaglag nunal ang kalokohan. Nagpapa-"S" ng labi. (uuy.. susubukang i-"S" ang labi :P)

[XD] ROTFLMAOL, ito yung mga posts na naglalaman ng jokes, kwentong biro, funny experiences at kung anu-ano pang mga nakakatawang "just brian" encounters na hango sa tunay na buhay. can also be: [:))]

"Ang picture sa taas ay walang kinalaman sa post na 'to... avatar ko yan sa Gaia_online... gusto ko lang ipagmalaki [XD]"

Monday, August 10, 2009

[:)] "blog-worthy entries from my lame, old weblog"

Note: Simply click the title to read the full blog entry.


>"Life's Lessons" [September 21, 2008 ]
~A 45-item list of the lessons life has taught me during those times. I plan to make a sequel to this post, so better read its original :)


>"Buhay, Chain Letter at Alikabok" [February 11, 200]
~Hindi ko alam kung bakit naisipan kong magsulat ulit. Ewan ko lang kung ano na naman ang pumasok sa isip ko at eto ako, sinasayang ang oras sa pagtataype ng kung anu-ano. Marami pa akong dapat gawin... mga trabahong dapat tapusin... mga bagay na dapat isipin. Pero sa kabila ng mga ito, eto pa rin ako... kinakausap ka.

Ano nga bang pumasok sa isip ko..? (Read more)


>"Midnight Highway" [January 15, 2009 ]
~Ang post tungkol sa isang tagpong tila ako'y nagpapakawirdo at walang magawa sa buhay. Isa ang post na 'to sa mga favorite ko... haha! Senti :P


>"Nag-collapse ako sa barbershop: Isang Kwentong Walang Kwenta" [January 8, 2009 ]
~Another brianV original :D Sa lahat ng mga blog posts na kinompose ko habang ako'y nagpapagupit sa barbero, eto na siguro ang pinaka 'da best para sakin :]

...retrospection [:o]

[:S] "What Makes the World Go Round?" [repost]

Love? Or money?

I say, neither. For it is the perpetual conservation of angular momentum that makes the world go round. Lahat ng orbital motion ng planets (including the rotation) ay dahil sa fundamental angular momentum na galing sa nebula kung saan ito nabuo as demonstrated by the classical Foucault pendulum experiment. Kung nagkataon na masira ang continual angular impetus ng earth dulot ng tidal friction o gravitational attraction ng iba pang heavenly bodies, magkakaroon ng irregularity sa gyratory drive ng earth, resulting to time fluctuations and eventually to the obliteration of the planet.

pero hindi ako sure ah… baka nga love… ;P

a repost from: brianv.i.ph

Thursday, August 6, 2009

[XD] "Mulasa Blak Meet Concee Goo Meel"

"Danbe Fuld"
Sa buhay, hindi maiiwasang maloko....

"Baragats Daragats"
Kaya't sa oras na mapagtripan ka ng tadhana..

"Emstel... Emstel..."
Maki-sing ka na lang:

"...Jeni fram da Blak :P"
uuuy.. babasahin niya ulit!

(nyaha! Talaga naman... Aba'y kinanta pa! Walangya...
Stone Age pa lang.. joke na yan.. kelan ka ba pinanganak?)

[:D] AKO MISMO (PART-3) : "Katarungan"

AKO: *burp*
AKO: Kuya... bayad ho.
AKO: *inabot ang P100 bill*
SIYA:  *tinanggap ang P100 bill*
AKO: ...
AKO: ...
SIYA: Sir, sukli nyo ho...
SIYA: *inabot ang dalawang P20 bills*
AKO: *tinanggap ang sukli*
AKO: *binilang*
AKO: *sumimangot*
AKO: Boss, hindi ho ba P50 lang yung kinain ko?
SIYA: *chineck ang resibo*
SIYA: *nataranta*
SIYA: Ay! Bopis ba ser?
AKO: Opo.
SIYA: *kumuha ng dalawang limampiso at inabot sa windang na kostumer*
SIYA: Hehe.. pasensya na po ser :P
AKO: Hehe.. ayos lang ho 'yon.
AKO: *super smile*

...at never na siyang bumalik sa kainang iyon. EVER.
IKAW: oooohh... how inspiring.

~WAKAS~

Saturday, June 27, 2009

[;P] Acrostics! weee..

ear my words,
hey're yours to hold.
reasure them deep,
recious as gold.
:
/
/
hen life gets bland,
ords can help.
ords can enthuse and inspire thyself.
.
okes and quotes,
rge minds to think.
hips without forte,
hey're doomed to sink.
-
efore you conclude,
emember to look.
'll be the pen
nd you be the book.
ot in the sense that i am to write
arious thoughts, although i might.
.
ut in the sense that,
ife is tough.
nly a book,
ets the pen to a stop.
o use these words,
rize them deep.
ut of munificence
hey're yours to keep.
.
uz life gets bland
ut of nowhere you'd quote
etaphors make life worthy of note.


[;P] "A Blissful, Ironic, Double-pun Idea"


"Mas ok n sakin ung nmamatay sa paggawa ng sumting,
kesa and2 nammatay dhil wlang magawa"
-sagot ng isang batang suspended ang klase sa
batang namamatay na daw kakapasok sa eskwela


[:D] subliminaly sublime: "Ang pagtotono"

Teng-tong.. Teng-tong...
Wala na naman sa tono ang kanyang gitara.
Pumikit siya. Nag-isip. Humingang malalim. At saka sinumulang sikipan ang maluwang na kwerdas.


Teng-tong.. teng-tong...
Sa lahat ng mga gitaristang nakilala ko sa tana ng aking buhay, siya lang yata ang bukod tanging gitarista na hindi marunong magtono.


Teng-teng... tong..
Biniyayaan siya ng magandang simula, oo, ngunit nang mawala na sa tamang pwesto ang mga kwerdas ng kanyang pagkatao, nanatili na lamang na ganoon ang musika ng kanyang buhay. Sa ilang pagkakataon, naibabalik niya sa tama ang lahat, minsan sa tulong ng ibang tao, minsan.. swerte lang talaga.


Tong-teng.. teng-tong..
Gamit ang kung ano mang nalalaman niya tungkol sa isang kwerdas na iyon, kahit alam niyang wala, sinubukan niyang itama ang mali. Mapigtas na ang mapigtas. 


Gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya.


Teng-tong.. teng-tong.. tong-teng..
Sa mga oras na iyon, sa isang maliit na kwarto sa kunsaan, isang lalaki ang mag-isang humaharap sa kanyang suliranin nang walang ibang katulong kundi ang kanyang sarili.


Sa mga oras na iyon, kanyang napagtanto, walang kwenta ang talino. Tulad sa buhay na punung-puno ng mga pagsubok, higit pa doon ang kanyang kailangan. 


Nagdasal na lamang siyang hindi pa siya iniwan ng swerte.


Teng... Tong...

"At kung ginawa mo na ang lahat at hindi pa rin umayos ang lahat, asahan mong may dakilang dahilan kung bakit naging ganoon iyon" -Eros Atalia

[XD] What is life..?

Bok, tetestingin ko ang vocabulary mo. Game?
Ha?
Sabi ko.. tetestingin ko ang vocabulary mo.
bokabunari..? ano..?
Ay ewan.. O basta sabihin mo na lang sakin kung alam mo ang ibig sabihin ng mga words na 'to ok?
sige, sige.. geym.
"vivacity"
uhmm.. parang elektrisiti? ah.. rentahan ba yan ng pelikula? hehe.. hindi ko alam.
"verve"
berb.. aksyun wurds? sa english yan diba?
"existence"
hindi ko alam yan.. nakikita ko lang yan sa userneyms mo eh.. ano ba yan?
"living"
teka.. ano muna yung.. eksintens ba yun?
"living"
ay nako..
"living" nga.. lahat ng sinasabi ko sayo.. iisa lang ang ibig sabihin. verve. existence. living. animation.. gets mo na?
kartuns? hehe.. sabi mo animesyon eh.
Life! life ang ibig sabihin ng lahat ng 'yon.
Aaaah... life? Life lang pala eh..
parang sa games. eych-pi...
HP lang pala pinahirap mo pa.
tsk...


..tara DotA :)
*sigh*

Thursday, June 25, 2009

[: |] "Au Revoir À Demain"

"Of all goodbyes...
adieu, chau, despedida, bai bai
..the kind which hurt most..
sayonara, Auf Wiedersehen, Ĝis revido, ciao
..was the one your ears never heard of..
paalam, maasalama, ja ne, farewell, adios
..but your heart knew it was already being said.
:-h

[:D] AKO MISMO (PART-2) : "Katangahan"

AKO: *kinikilatis ang dice bracelet*
AKO: Kuya, magkano 'to?
SIYA: Trenta..
AKO: *tumingin ng iba*
AKO: 'E eto kuya?
SIYA: Sampu isa yan.. kahit anong kulay.
AKO: Isa po nito, saka nung dice..
SIYA: *tinanggal sa pagkakatali ang mga bracelet na napiili ng kanyang kostumer*
AKO: pwede ho bang 35 na lang para sa dalawang 'yan..?
AKO: *ngiti*
SIYA: *nag-isip*
SIYA: o sige...
SIYA: *inabot ang mga bracelet kasama ang sukli*
AKO: *nakangiting tinanggap ang dalawang bracelet at ang kanyang 15 pesos*
AKO: *nakangiting naglakad pauwi*
AKO: *binubulsa ang natipid na barya*
BARYA: *nabitawan, nahulog at gumulong sa malalim na kanal*
AKO: *nakasimangot na naglakad pauwi*
IKAW: haha.. saklap!
~WAKAS~

[:D] AKO MISMO (PART-1) : "Katapatan"

AKO: Ate... magkano 'ho ang MAXX?
SIYA: Tatlo dalawang piso.
AKO: *nag-isip*
AKO: Pagbilan hong anim.
AKO: *nagbayad*
SIYA: *inabot ang kendi at sinuklian ng walong piso*
AKO: *binilang ang barya*
AKO: *pinairal ang katapatan*
AKO: Ate sobra ho ng dalawang piso sukli niyo. Anim po ung binili ko.
SIYA: *nakangiting binawi ang sobrang sukli*
AKO: *masayang naglakad pauwi*
IKAW: wow.. bait naman.(korni mo..)
~WAKAS~

[:D] "ANG KWENTONG WALANG MORAL LESSON"

Isang malakas na ungol ng lobo ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Inabot na siya ng dilim sa gitna ng pasikut-sikot at masukal na gubat.
Hindi maganda 'to, naisip niya. Noong umaga lang ng araw na iyon, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang sinapit niya sa kanyang paglalakbay; dalawang halimaw na doble ang laki sa kanya ang kanyang nakasagupa. Matindi ang naging laban. Gamit ang taglay niyang bilis, napatumba niya ang mga nasabing nilalang. Ngunit gaano man kaliksi wala pa ring laban ang suot niyang kalasag sa matatalim na kuko ng kalaban. Naipanalo niya ang laban, ngunit naglakad siya paalis ng duguan.
Hindi maganda 'to, ulit niya sa kanyang sarili habang tinatahak ang daan pauwi. Alam niyang marami pang mababangis na hayop at mga kakaibang nilalang sa parte ng gubat na iyon. Kung hindi siya magmamadali, ang gubat na iyon na ang magdadala sa kanya sa kanyang katapusan. Kaya't upang makauwi ng ligtas, inilabas niya ang isang rolyo ng papel na kating-kati na sa kanyang bulsa: ang mahiwagang "Scroll of Town Portal". Ang mahiwagang papel na maghahatid sa kanya patungo sa kahit saang lugar man niya ninais.
Ngunit sadyang mapait ang tadhana.
Limang mabibigat at mababangis na martilyo ang mabilis na sumapul sa kanyang tagiliran, na sinundan pa ng dalawang kidlat na mala-kidlat ding kumuryente sa kanya. Hindi na siya pinagbigyang kumurap. Sa loob ng ilang segundo, hindi lamang buhay niya ang nawala sa kanya, pati na rin ang kanyang pera, dangal at dignidad: FIRST BLOOD!!! Sigawan ang mga kalalakihan sa computer shop. Ay shit. Isang maikling mura na lamang ang nabuo sa kanyang windang na pag-iisip.
Kantsawan. Tawanan. Asaran. Lahat maingay maliban sa isang lalaking tahimik na nakatayo sa may counter. Hindi siya kasama sa DotA clash na nagaganap. Hindi niya katropa ang mga nasabing lalaki. Nagkaton lang na sa computer shop na iyon niya natripang magpaprint ng assignment. And with that said, naging saksi siya sa mga pangyayari. Isang walang kwentang blog post na naman ang nabuo sa kanyang isip.

Sunday, June 14, 2009

[:D] f i n d i n g - n i n o


(Not the best post.. in fact, just a spurt of the moment.. in a badly written kind of way..)

somewhere near the warm-waters of the Zamboanga Coast..

"Gudmorning 'tay!" the sardine greeted his father. "Kakaiba po ang alon ngayong umaga ah.."

"Oo nga eh.." Marlon was busy wagging the pythoplanktons from his gills on their breakfast plates. "Maghanda ka na anak.. pagkatapos kumain, lalakad na tayo."

"Oh, maghugas na ng mga palikpik, handa na ang agahan." His mother, Cora, had a sweet voice, even early in the morning. "Mahirap na, baka magka.. N1N1 ba yun?"

"H1N1 yun nay, nabasa ko kahapon sa inanod na dyaryo sa may ibabaw." answered Nino. The ruthless pollution that had defiled their area was not always ruinous.

Marlon was not impressed, "Umamakyat ka na naman sa taas!? Ilang beses ba namin sasabihin ng nanay mo na huwag kang lumalayo? Pano nalang kung anurin ka rin ng malalakas na alon..? o kaya'y mahuli ng mga mangingisda!?"

Nino couldn't answer. Or rather, he shouldn't. Stillness filled the old truck tire that housed the family. They ate their planktons in silence. And it was painful, the calmness, but it helped them prepare for the long trip ahead of them without much natter.

It was summer, and the sardines knew they had to migrate northward. Of course, the fishermen knew of this too. In fact, they were all set for coming of the fishes.Perhaps, there was truly something peculiar about the waves that morning.

The sardines were caught along with a few hundred other fishes. Some who were lucky enough to evade the grasp of the fishing nets returned home and stayed for the rest of the summer. The others who were caught, however, were brought aground. Delivered. Processed. Sold. And finally eaten. Sardinas for breakfast. Yum-yum! Their cans were disposed of. And, ironically, thrown back into the vastness of the sea. 


Home :)
at least...






Thursday, June 11, 2009

[XD] "Ang Alamat ng Ampalaya"

Isang araw, may nakita siyang kakaibang halaman sa tapat ng kanilang munting bahay.

"Yak..! Ano 'to.." sabi niya, "..parang amplaya."

At mula noon tinawag na iyong ampalaya.

~THE END~

[:S] Ang Bullfrog, ang Baboy at si Jack: Stories of a 5-year old

NOTE: The tales written below are stories told to me by my 5 year old cousin. His name is Manuel T. Quiambao. And as far as i'm concerned, this kid is a child prodigy.

"Ang Malaking Bullfrog"

Eh may palaka. Nakikita sya ng ox. Tapus, nag-late sya at nakita nya yung bullfrog nyang dad. Sya yung pinaka matangkad sa buong lahat. Sya yung tumangkad ng tumangkad uli. Sya ba yung lumaki ng lumaki? Oo. [cute na tawang nakakaloko]

~kung ano man ang nangyari sa nakita niyang ox, kung ano man ang ibig sabihin ng "nag-late", o kaya'y kung bakit sya lumaki ng lumaki.. e hindi ko alam. Eto pa..

"Ang Mga Tatlong Maliliit na Baboy"

Noong unang panahon, mayroong mga tatlong maliliit na baboy. Sa mga bahay nila. Isang araw, meron isang wolf. Ang sabi nya, "raawrh!". Tumakot ang isang baboy. Tapos sabi ulit ng wolf,"raawrh!". At tumakot ang pangalawang baboy. Tapos sinabi daw uli ng wolf, "hwraah!". Tapos bumlow ng wolf ng wall home. Tapos hindi niya kaya bumlow kaya lumigtas ang wolf.The End. Tapos "Jack and the Beanstalk" naman kuya.


~Pero bakit yung wolf ang lumigtas? Hindi ko na nalaman kung bakit... nagsimula na syang magkwento ulit. Ngayon, English naman..

"Jacken the Beanstalk"


Once upon a time, there was a little boy named jack. And her mother was so poor because he eat a cow her beans. One day, he saw the little old man. The man said, "You eat the cow her beans, my beans are on my head." And one day along, her mother angry that was Jack sad. And one day sometimes, Jack climbed the beanstalk and her mother said, "Goodbye!". To what things around to the top of the beastalk. And was on top of the beanstalk, he saw a giant's castle. And the giant wife scared what is running on the path? said the giant's wife. And he saw a giant on the table. And he eat some egg for tha table. Then the giant asleep and Jack tiptoe to the bottom of the table. And he ran away from the path and he down the beanstalk. Then he hold a axe. Jack angy and he chop the beanstalk and the giant dead. And was the mother hugged the hen on his hands and the harp happy. To see mother's room. For a tiny house. The End. Next Hansel and Gretel. And now later the story of the ugly duckling.

~pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon ikwento ang mga nasabing pamagat. Ayos lang... solve na 'ko dun :P


Hindi lahat ng bata, mahilig magbasa. Hindi lahat, kabisa ang 9 planets (plus ang asteroid belt, ang great wind at ang great spot sa jupiter). Hindi lahat, sumusulat at nagiillustrate ng sarili nyang booklets sa maagang edad. Bihira kang makakita ng isang 5-year old na kumakanta ng 'My Sweet Caroline', nag ge-Gameboy, nag sa-spider solitaire (at natatapos niya) , nagpepaint, nag-aadd, nag-maminus, nag-tatimes, nagdidivide, alam ang ibig sabihin ng porridge at ang english ng ampalaya. Ikaw ba.. alam mo?

Everyone's got a story to tell.
They just need a chance to share.



Wednesday, June 10, 2009

[:D] "Destiny, Impossibilities and Daffodils"

The sky was clear over Kings Meadow. The breeze was crisp and the vibes were light. Tranquility filled the paddock. And it was that comfortable stillness of the field that suggested the start of a conversation.

He mustered every bit of confidence inside of him and spilled them all out in the form of five words:

"Fair weather today.. you think?" The daffodil didn't actually know what words to begin with.

"huh! How long've you been there?" her answer made the daffodil bat in perplexity.

"I've been here beside you all my life." his reply confused the female daffodil. "Oh, how rude of me. My name's Narcissus."

A moment of awkward silence.. then the answer:

"Narcissus.. If what you say is true.. then, I am very sorry for not knowing of your existence. You should talk once in a while you know.." She was right. Narcissus never really said a word to her before.

"Lose the apologies. I understand." he smiles. "Erin right?"

"Actually, it' s Erika"

"Oh yes, Erika.. say, you've been staring at that Oleander near the foot of our hill for quite a few months now. Care to share..?" twenty-five words. Highscore, he thought.

"Oh that." She felt tongue-tied. "Do you think I'll ever get the chance to get anywhere near him?"

Narcissus didn't see that coming. "I doubt it." She thought so too.

But it was at that very precise moment that a small child, merrily skipping through the meadow, grabbed her by the stem and gently placed her inside an empty basket. She sees a fine-looking Oleander at a distance too, and she just couldn't resist adding it to her find. She felt as if she was fated to do it. As if it was already written somewhere. Perhaps a blog. But no, she just needed something to cheer up her mother when she comes home from work. Her mother loves Oleanders. Very much.





Tuesday, June 9, 2009

[:D] "Beachwalk Massacre - 3 sides of a story"

~SELENA~
"Inay.. inay..", tawag ng isang bata sa kanyang inahing tila hindi sya naririnig."Anong oras na po..? Bakit hindi pa umuuwi si itay?"

Walang sagot.

"Nay..!? Nagugutom na po sila Jayjay..! Nay..! Ayos lang po ba kayo..!?"

"Ayos lang ako Neimi." Sagot ng babae habang nakatitig sa maliit na butas sa pader kunsaan inaasahan niyang lilitaw ang kanyang asawa.

"Wag kang mag-alala anak, uuwi din ang papa nyo." Pinipilit niyang hindi maluha sa sakit na nararamdaman. Durog ang kaliwng binti ni Selena gawa ng isang aksidente noong umaga ding iyon. Wala ang kanyang asawa nang mangyari ang disgrasya. "Ayos lang ako.." ulit niya, "Uuwi din si papa.."

Simubangot ang bata. Hindi sya kumbinsido. "Pero nay.. Limang oras na po ang nakalipas! May pagkain pa po ba tayo..!?" Si Voughn, si Jayjay.. kanina pa po umiiyak.."

Hindi nakakibo ang babae. Alam niyang wala na syang maipanlalaman sa namimilipit na sikmura ng kanyang mga anak. Gustuhin mang niyang lumabas, wala nang lakas ang mga binting tinira sa kanya ng tadhana.

Ngumangawa na ang kanyang panganay na anak na kanina pa hindi mapalagay, "Nay! Sumagot kayo na--"

Nahinto ang bata sa gitna ng kanyang pagsasalita dahil sa sunud-sunod at malalakas na putok na nanggaling sa labas ng butas.

PAK! PAK! PAK!

Dumagundong ang paligid sa malakidlat na mga tunog. Natahimik ang buong bahay. Kahit ang mga bata natigil sa pag iyak.Pumikit na lang si Selena. Walang lilitaw na sinuman sa butas sa gabing iyon.
~PATS~
Mabagal na ang takbo ni Pats. Pagod na siya. Ilang oras narin siyang tumatakbo pero tila hindi na talaga niya mahanap ang daan pauwi.

"Selena! Neimi! Hintayin nyo ako!" Nagmumura na ang mga paa niya ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa, "Jayjay! Voughn anak! Makakauwi din si papa!"

Maagang umalis si Pats sa kanilang maliit na lungga upang maghanap ng pagkain. Pero sa kanyang pagkaligaw, nalaman niyang mas mahirap pala hanapin ang nauna kaysa sa huli.

Huminto siya sandali sa tabi ng isang malaking pader upang habulin ang kanyang hininga. Pamilyar ang pakiramdam ng paligid ngunit, dahil sa pagod, hindi na niya matanto kung saang lupalop na ng mundo siya naroon.

Nanlamig ang batok ni Pats. May nagmamasid sa kanya. Naramdaman niya iyon.

Kumaripas siya ng takbo upang makapagtago, ngunit huli na ang lahat. Nagdilim na ang paligid sa anino ni kamatayan.. at ang wika nito ang kanyang huling narinig:

"San nanggaling 'tong ipis na 'to!? Walangya--"

PAK! PAK! PAK!

Durog ang kalahati ng katawan ni Pats. Malupit ang mundo. Wala siyang laban. Sa di kalayuan, isang manipis na luha ang gumuhit sa maliit na pisngi ng isang inahing ipis kanyang inulila.
~SIYA~
Payapa ang kapaligiran. Walang ingay na maririnig maliban sa mahinang takatak ng nagsasayawang daliri sa ibabaw ng makunat na keyboard.
Type. Isip. Type. Bura. Isip ulit. Tamang tama ang katahimikan ng paligid. Ginaganahan na naman siyang magsulat. Sa mga ganitong pgkakataon, piling tao lang ang pwedeng mangistorbo.

Pero hindi ito alam ng isang nilalang na, noong mga oras na iyon, ay nakatambay sa pader sa kanyang harapan.

"San nanggaling 'tong ipis na 'to!?" wika niya. "Langya talaga oh.." Sabay hampas ng beachwalk sa insekto.

PAK! PAK! PAK!

kumislot-kislot ang kawawang ipis sa sahig. Tinapon niya ang peste sa nararapat nitong kalagyan at bumalik sa pagtatype at pag iisip na parang walang nangyari.

~WAKAS~
...moral lesson? bahala ka na mag-imagine :)