Saturday, June 27, 2009

[;P] Acrostics! weee..

ear my words,
hey're yours to hold.
reasure them deep,
recious as gold.
:
/
/
hen life gets bland,
ords can help.
ords can enthuse and inspire thyself.
.
okes and quotes,
rge minds to think.
hips without forte,
hey're doomed to sink.
-
efore you conclude,
emember to look.
'll be the pen
nd you be the book.
ot in the sense that i am to write
arious thoughts, although i might.
.
ut in the sense that,
ife is tough.
nly a book,
ets the pen to a stop.
o use these words,
rize them deep.
ut of munificence
hey're yours to keep.
.
uz life gets bland
ut of nowhere you'd quote
etaphors make life worthy of note.


[;P] "A Blissful, Ironic, Double-pun Idea"


"Mas ok n sakin ung nmamatay sa paggawa ng sumting,
kesa and2 nammatay dhil wlang magawa"
-sagot ng isang batang suspended ang klase sa
batang namamatay na daw kakapasok sa eskwela


[:D] subliminaly sublime: "Ang pagtotono"

Teng-tong.. Teng-tong...
Wala na naman sa tono ang kanyang gitara.
Pumikit siya. Nag-isip. Humingang malalim. At saka sinumulang sikipan ang maluwang na kwerdas.


Teng-tong.. teng-tong...
Sa lahat ng mga gitaristang nakilala ko sa tana ng aking buhay, siya lang yata ang bukod tanging gitarista na hindi marunong magtono.


Teng-teng... tong..
Biniyayaan siya ng magandang simula, oo, ngunit nang mawala na sa tamang pwesto ang mga kwerdas ng kanyang pagkatao, nanatili na lamang na ganoon ang musika ng kanyang buhay. Sa ilang pagkakataon, naibabalik niya sa tama ang lahat, minsan sa tulong ng ibang tao, minsan.. swerte lang talaga.


Tong-teng.. teng-tong..
Gamit ang kung ano mang nalalaman niya tungkol sa isang kwerdas na iyon, kahit alam niyang wala, sinubukan niyang itama ang mali. Mapigtas na ang mapigtas. 


Gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya.


Teng-tong.. teng-tong.. tong-teng..
Sa mga oras na iyon, sa isang maliit na kwarto sa kunsaan, isang lalaki ang mag-isang humaharap sa kanyang suliranin nang walang ibang katulong kundi ang kanyang sarili.


Sa mga oras na iyon, kanyang napagtanto, walang kwenta ang talino. Tulad sa buhay na punung-puno ng mga pagsubok, higit pa doon ang kanyang kailangan. 


Nagdasal na lamang siyang hindi pa siya iniwan ng swerte.


Teng... Tong...

"At kung ginawa mo na ang lahat at hindi pa rin umayos ang lahat, asahan mong may dakilang dahilan kung bakit naging ganoon iyon" -Eros Atalia

[XD] What is life..?

Bok, tetestingin ko ang vocabulary mo. Game?
Ha?
Sabi ko.. tetestingin ko ang vocabulary mo.
bokabunari..? ano..?
Ay ewan.. O basta sabihin mo na lang sakin kung alam mo ang ibig sabihin ng mga words na 'to ok?
sige, sige.. geym.
"vivacity"
uhmm.. parang elektrisiti? ah.. rentahan ba yan ng pelikula? hehe.. hindi ko alam.
"verve"
berb.. aksyun wurds? sa english yan diba?
"existence"
hindi ko alam yan.. nakikita ko lang yan sa userneyms mo eh.. ano ba yan?
"living"
teka.. ano muna yung.. eksintens ba yun?
"living"
ay nako..
"living" nga.. lahat ng sinasabi ko sayo.. iisa lang ang ibig sabihin. verve. existence. living. animation.. gets mo na?
kartuns? hehe.. sabi mo animesyon eh.
Life! life ang ibig sabihin ng lahat ng 'yon.
Aaaah... life? Life lang pala eh..
parang sa games. eych-pi...
HP lang pala pinahirap mo pa.
tsk...


..tara DotA :)
*sigh*

Thursday, June 25, 2009

[: |] "Au Revoir À Demain"

"Of all goodbyes...
adieu, chau, despedida, bai bai
..the kind which hurt most..
sayonara, Auf Wiedersehen, Ĝis revido, ciao
..was the one your ears never heard of..
paalam, maasalama, ja ne, farewell, adios
..but your heart knew it was already being said.
:-h

[:D] AKO MISMO (PART-2) : "Katangahan"

AKO: *kinikilatis ang dice bracelet*
AKO: Kuya, magkano 'to?
SIYA: Trenta..
AKO: *tumingin ng iba*
AKO: 'E eto kuya?
SIYA: Sampu isa yan.. kahit anong kulay.
AKO: Isa po nito, saka nung dice..
SIYA: *tinanggal sa pagkakatali ang mga bracelet na napiili ng kanyang kostumer*
AKO: pwede ho bang 35 na lang para sa dalawang 'yan..?
AKO: *ngiti*
SIYA: *nag-isip*
SIYA: o sige...
SIYA: *inabot ang mga bracelet kasama ang sukli*
AKO: *nakangiting tinanggap ang dalawang bracelet at ang kanyang 15 pesos*
AKO: *nakangiting naglakad pauwi*
AKO: *binubulsa ang natipid na barya*
BARYA: *nabitawan, nahulog at gumulong sa malalim na kanal*
AKO: *nakasimangot na naglakad pauwi*
IKAW: haha.. saklap!
~WAKAS~

[:D] AKO MISMO (PART-1) : "Katapatan"

AKO: Ate... magkano 'ho ang MAXX?
SIYA: Tatlo dalawang piso.
AKO: *nag-isip*
AKO: Pagbilan hong anim.
AKO: *nagbayad*
SIYA: *inabot ang kendi at sinuklian ng walong piso*
AKO: *binilang ang barya*
AKO: *pinairal ang katapatan*
AKO: Ate sobra ho ng dalawang piso sukli niyo. Anim po ung binili ko.
SIYA: *nakangiting binawi ang sobrang sukli*
AKO: *masayang naglakad pauwi*
IKAW: wow.. bait naman.(korni mo..)
~WAKAS~

[:D] "ANG KWENTONG WALANG MORAL LESSON"

Isang malakas na ungol ng lobo ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Inabot na siya ng dilim sa gitna ng pasikut-sikot at masukal na gubat.
Hindi maganda 'to, naisip niya. Noong umaga lang ng araw na iyon, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang sinapit niya sa kanyang paglalakbay; dalawang halimaw na doble ang laki sa kanya ang kanyang nakasagupa. Matindi ang naging laban. Gamit ang taglay niyang bilis, napatumba niya ang mga nasabing nilalang. Ngunit gaano man kaliksi wala pa ring laban ang suot niyang kalasag sa matatalim na kuko ng kalaban. Naipanalo niya ang laban, ngunit naglakad siya paalis ng duguan.
Hindi maganda 'to, ulit niya sa kanyang sarili habang tinatahak ang daan pauwi. Alam niyang marami pang mababangis na hayop at mga kakaibang nilalang sa parte ng gubat na iyon. Kung hindi siya magmamadali, ang gubat na iyon na ang magdadala sa kanya sa kanyang katapusan. Kaya't upang makauwi ng ligtas, inilabas niya ang isang rolyo ng papel na kating-kati na sa kanyang bulsa: ang mahiwagang "Scroll of Town Portal". Ang mahiwagang papel na maghahatid sa kanya patungo sa kahit saang lugar man niya ninais.
Ngunit sadyang mapait ang tadhana.
Limang mabibigat at mababangis na martilyo ang mabilis na sumapul sa kanyang tagiliran, na sinundan pa ng dalawang kidlat na mala-kidlat ding kumuryente sa kanya. Hindi na siya pinagbigyang kumurap. Sa loob ng ilang segundo, hindi lamang buhay niya ang nawala sa kanya, pati na rin ang kanyang pera, dangal at dignidad: FIRST BLOOD!!! Sigawan ang mga kalalakihan sa computer shop. Ay shit. Isang maikling mura na lamang ang nabuo sa kanyang windang na pag-iisip.
Kantsawan. Tawanan. Asaran. Lahat maingay maliban sa isang lalaking tahimik na nakatayo sa may counter. Hindi siya kasama sa DotA clash na nagaganap. Hindi niya katropa ang mga nasabing lalaki. Nagkaton lang na sa computer shop na iyon niya natripang magpaprint ng assignment. And with that said, naging saksi siya sa mga pangyayari. Isang walang kwentang blog post na naman ang nabuo sa kanyang isip.

Sunday, June 14, 2009

[:D] f i n d i n g - n i n o


(Not the best post.. in fact, just a spurt of the moment.. in a badly written kind of way..)

somewhere near the warm-waters of the Zamboanga Coast..

"Gudmorning 'tay!" the sardine greeted his father. "Kakaiba po ang alon ngayong umaga ah.."

"Oo nga eh.." Marlon was busy wagging the pythoplanktons from his gills on their breakfast plates. "Maghanda ka na anak.. pagkatapos kumain, lalakad na tayo."

"Oh, maghugas na ng mga palikpik, handa na ang agahan." His mother, Cora, had a sweet voice, even early in the morning. "Mahirap na, baka magka.. N1N1 ba yun?"

"H1N1 yun nay, nabasa ko kahapon sa inanod na dyaryo sa may ibabaw." answered Nino. The ruthless pollution that had defiled their area was not always ruinous.

Marlon was not impressed, "Umamakyat ka na naman sa taas!? Ilang beses ba namin sasabihin ng nanay mo na huwag kang lumalayo? Pano nalang kung anurin ka rin ng malalakas na alon..? o kaya'y mahuli ng mga mangingisda!?"

Nino couldn't answer. Or rather, he shouldn't. Stillness filled the old truck tire that housed the family. They ate their planktons in silence. And it was painful, the calmness, but it helped them prepare for the long trip ahead of them without much natter.

It was summer, and the sardines knew they had to migrate northward. Of course, the fishermen knew of this too. In fact, they were all set for coming of the fishes.Perhaps, there was truly something peculiar about the waves that morning.

The sardines were caught along with a few hundred other fishes. Some who were lucky enough to evade the grasp of the fishing nets returned home and stayed for the rest of the summer. The others who were caught, however, were brought aground. Delivered. Processed. Sold. And finally eaten. Sardinas for breakfast. Yum-yum! Their cans were disposed of. And, ironically, thrown back into the vastness of the sea. 


Home :)
at least...






Thursday, June 11, 2009

[XD] "Ang Alamat ng Ampalaya"

Isang araw, may nakita siyang kakaibang halaman sa tapat ng kanilang munting bahay.

"Yak..! Ano 'to.." sabi niya, "..parang amplaya."

At mula noon tinawag na iyong ampalaya.

~THE END~

[:S] Ang Bullfrog, ang Baboy at si Jack: Stories of a 5-year old

NOTE: The tales written below are stories told to me by my 5 year old cousin. His name is Manuel T. Quiambao. And as far as i'm concerned, this kid is a child prodigy.

"Ang Malaking Bullfrog"

Eh may palaka. Nakikita sya ng ox. Tapus, nag-late sya at nakita nya yung bullfrog nyang dad. Sya yung pinaka matangkad sa buong lahat. Sya yung tumangkad ng tumangkad uli. Sya ba yung lumaki ng lumaki? Oo. [cute na tawang nakakaloko]

~kung ano man ang nangyari sa nakita niyang ox, kung ano man ang ibig sabihin ng "nag-late", o kaya'y kung bakit sya lumaki ng lumaki.. e hindi ko alam. Eto pa..

"Ang Mga Tatlong Maliliit na Baboy"

Noong unang panahon, mayroong mga tatlong maliliit na baboy. Sa mga bahay nila. Isang araw, meron isang wolf. Ang sabi nya, "raawrh!". Tumakot ang isang baboy. Tapos sabi ulit ng wolf,"raawrh!". At tumakot ang pangalawang baboy. Tapos sinabi daw uli ng wolf, "hwraah!". Tapos bumlow ng wolf ng wall home. Tapos hindi niya kaya bumlow kaya lumigtas ang wolf.The End. Tapos "Jack and the Beanstalk" naman kuya.


~Pero bakit yung wolf ang lumigtas? Hindi ko na nalaman kung bakit... nagsimula na syang magkwento ulit. Ngayon, English naman..

"Jacken the Beanstalk"


Once upon a time, there was a little boy named jack. And her mother was so poor because he eat a cow her beans. One day, he saw the little old man. The man said, "You eat the cow her beans, my beans are on my head." And one day along, her mother angry that was Jack sad. And one day sometimes, Jack climbed the beanstalk and her mother said, "Goodbye!". To what things around to the top of the beastalk. And was on top of the beanstalk, he saw a giant's castle. And the giant wife scared what is running on the path? said the giant's wife. And he saw a giant on the table. And he eat some egg for tha table. Then the giant asleep and Jack tiptoe to the bottom of the table. And he ran away from the path and he down the beanstalk. Then he hold a axe. Jack angy and he chop the beanstalk and the giant dead. And was the mother hugged the hen on his hands and the harp happy. To see mother's room. For a tiny house. The End. Next Hansel and Gretel. And now later the story of the ugly duckling.

~pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon ikwento ang mga nasabing pamagat. Ayos lang... solve na 'ko dun :P


Hindi lahat ng bata, mahilig magbasa. Hindi lahat, kabisa ang 9 planets (plus ang asteroid belt, ang great wind at ang great spot sa jupiter). Hindi lahat, sumusulat at nagiillustrate ng sarili nyang booklets sa maagang edad. Bihira kang makakita ng isang 5-year old na kumakanta ng 'My Sweet Caroline', nag ge-Gameboy, nag sa-spider solitaire (at natatapos niya) , nagpepaint, nag-aadd, nag-maminus, nag-tatimes, nagdidivide, alam ang ibig sabihin ng porridge at ang english ng ampalaya. Ikaw ba.. alam mo?

Everyone's got a story to tell.
They just need a chance to share.



Wednesday, June 10, 2009

[:D] "Destiny, Impossibilities and Daffodils"

The sky was clear over Kings Meadow. The breeze was crisp and the vibes were light. Tranquility filled the paddock. And it was that comfortable stillness of the field that suggested the start of a conversation.

He mustered every bit of confidence inside of him and spilled them all out in the form of five words:

"Fair weather today.. you think?" The daffodil didn't actually know what words to begin with.

"huh! How long've you been there?" her answer made the daffodil bat in perplexity.

"I've been here beside you all my life." his reply confused the female daffodil. "Oh, how rude of me. My name's Narcissus."

A moment of awkward silence.. then the answer:

"Narcissus.. If what you say is true.. then, I am very sorry for not knowing of your existence. You should talk once in a while you know.." She was right. Narcissus never really said a word to her before.

"Lose the apologies. I understand." he smiles. "Erin right?"

"Actually, it' s Erika"

"Oh yes, Erika.. say, you've been staring at that Oleander near the foot of our hill for quite a few months now. Care to share..?" twenty-five words. Highscore, he thought.

"Oh that." She felt tongue-tied. "Do you think I'll ever get the chance to get anywhere near him?"

Narcissus didn't see that coming. "I doubt it." She thought so too.

But it was at that very precise moment that a small child, merrily skipping through the meadow, grabbed her by the stem and gently placed her inside an empty basket. She sees a fine-looking Oleander at a distance too, and she just couldn't resist adding it to her find. She felt as if she was fated to do it. As if it was already written somewhere. Perhaps a blog. But no, she just needed something to cheer up her mother when she comes home from work. Her mother loves Oleanders. Very much.





Tuesday, June 9, 2009

[:D] "Beachwalk Massacre - 3 sides of a story"

~SELENA~
"Inay.. inay..", tawag ng isang bata sa kanyang inahing tila hindi sya naririnig."Anong oras na po..? Bakit hindi pa umuuwi si itay?"

Walang sagot.

"Nay..!? Nagugutom na po sila Jayjay..! Nay..! Ayos lang po ba kayo..!?"

"Ayos lang ako Neimi." Sagot ng babae habang nakatitig sa maliit na butas sa pader kunsaan inaasahan niyang lilitaw ang kanyang asawa.

"Wag kang mag-alala anak, uuwi din ang papa nyo." Pinipilit niyang hindi maluha sa sakit na nararamdaman. Durog ang kaliwng binti ni Selena gawa ng isang aksidente noong umaga ding iyon. Wala ang kanyang asawa nang mangyari ang disgrasya. "Ayos lang ako.." ulit niya, "Uuwi din si papa.."

Simubangot ang bata. Hindi sya kumbinsido. "Pero nay.. Limang oras na po ang nakalipas! May pagkain pa po ba tayo..!?" Si Voughn, si Jayjay.. kanina pa po umiiyak.."

Hindi nakakibo ang babae. Alam niyang wala na syang maipanlalaman sa namimilipit na sikmura ng kanyang mga anak. Gustuhin mang niyang lumabas, wala nang lakas ang mga binting tinira sa kanya ng tadhana.

Ngumangawa na ang kanyang panganay na anak na kanina pa hindi mapalagay, "Nay! Sumagot kayo na--"

Nahinto ang bata sa gitna ng kanyang pagsasalita dahil sa sunud-sunod at malalakas na putok na nanggaling sa labas ng butas.

PAK! PAK! PAK!

Dumagundong ang paligid sa malakidlat na mga tunog. Natahimik ang buong bahay. Kahit ang mga bata natigil sa pag iyak.Pumikit na lang si Selena. Walang lilitaw na sinuman sa butas sa gabing iyon.
~PATS~
Mabagal na ang takbo ni Pats. Pagod na siya. Ilang oras narin siyang tumatakbo pero tila hindi na talaga niya mahanap ang daan pauwi.

"Selena! Neimi! Hintayin nyo ako!" Nagmumura na ang mga paa niya ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa, "Jayjay! Voughn anak! Makakauwi din si papa!"

Maagang umalis si Pats sa kanilang maliit na lungga upang maghanap ng pagkain. Pero sa kanyang pagkaligaw, nalaman niyang mas mahirap pala hanapin ang nauna kaysa sa huli.

Huminto siya sandali sa tabi ng isang malaking pader upang habulin ang kanyang hininga. Pamilyar ang pakiramdam ng paligid ngunit, dahil sa pagod, hindi na niya matanto kung saang lupalop na ng mundo siya naroon.

Nanlamig ang batok ni Pats. May nagmamasid sa kanya. Naramdaman niya iyon.

Kumaripas siya ng takbo upang makapagtago, ngunit huli na ang lahat. Nagdilim na ang paligid sa anino ni kamatayan.. at ang wika nito ang kanyang huling narinig:

"San nanggaling 'tong ipis na 'to!? Walangya--"

PAK! PAK! PAK!

Durog ang kalahati ng katawan ni Pats. Malupit ang mundo. Wala siyang laban. Sa di kalayuan, isang manipis na luha ang gumuhit sa maliit na pisngi ng isang inahing ipis kanyang inulila.
~SIYA~
Payapa ang kapaligiran. Walang ingay na maririnig maliban sa mahinang takatak ng nagsasayawang daliri sa ibabaw ng makunat na keyboard.
Type. Isip. Type. Bura. Isip ulit. Tamang tama ang katahimikan ng paligid. Ginaganahan na naman siyang magsulat. Sa mga ganitong pgkakataon, piling tao lang ang pwedeng mangistorbo.

Pero hindi ito alam ng isang nilalang na, noong mga oras na iyon, ay nakatambay sa pader sa kanyang harapan.

"San nanggaling 'tong ipis na 'to!?" wika niya. "Langya talaga oh.." Sabay hampas ng beachwalk sa insekto.

PAK! PAK! PAK!

kumislot-kislot ang kawawang ipis sa sahig. Tinapon niya ang peste sa nararapat nitong kalagyan at bumalik sa pagtatype at pag iisip na parang walang nangyari.

~WAKAS~
...moral lesson? bahala ka na mag-imagine :)




[: |] "to be.. therefore i am"

How does it feel?
..to be attacked inside your own house? to be insulted by your own name? by your own reflection? to be shamed in front of your own face? to be humiliated? and to be dishonored? How does it feel?

..to be wounded by your own proud blade? To be torn apart by the very person that put you together? To be assailed, harmed, tackled, beaten, spat on and left to rot.. right under your own roof? To be beleaguered? Really, how does it feel?

...to be a tutubi na walang tinatagong bato sa ilalim ng lupang tinuka ng manok sa taas ng bundok..

He was assaulted under his own turf. Whatever that feels like.. whatever that magnitude of pain one would feel under that circumstance..
He knew.




[:D] "When Travel Becomes A Big Deal"

It was a breezy morning. Date unknown. His head was swaying along with the other passengers' as he sits patiently on a bus ride he labeled: 'my first long trip alone'.
Parokya ni Edgar's single, Gitara, which was playing on the radio speakers, matched perfectly with the mood he was in at the very moment. And as far as he could tell, he was enjoying the bumpy ride. His first bumpy ride alone.

The view outside was quite remarkable, too. He moved to the window seat and leaned to the glass to appreciate the view of wondrous and terrible diversity set before him: lush green fields of vegetation, fruitsatands selling juicy watermelons, muddy tracks of the recent rain, sari-sari stores with the occasional tambays, 'ice4sale' signs, the Sta. Cruz public market, puppies amusingly playing with a goat kid, debris of what seemed like a torn roof, the dilapidated hut fascinatingly without a roof, countless beautifully sculpted wooden figures (which suggested that he was still in Kapampangan grounds,), colorful flowershops, a serenly empty public school campus, a noisy computer shop, an INC cathedral, mossy brick walls, a child sh*tting beside a 'BAWAL UMIHI DITO' sign, the undying 'Soliman E.C. Septic Tank Disposal' advertisement, more lush fields, distant mountain peaks, the cloudy firmament, and eventually, the sign he had been anticipating: 'Hermosa Bataan 4 km'.

Before he knew it, the hour long ride was already in its final minutes.

He was not far. And in a few minutes time, he'd be sitting peacefully again in front of the computer screen where he would one day compose, while drinking a warm glass of chocolate, a blog post about the trip that had brought him to the silent sanctuary he is in at the very moment.

He steered his vision away from the bus window, which was now wet with the drizzle they had driven into. As the vehicle made a slow stop, he made his way out of the bus and, from there, marched the path to his humble abode, like a soldier returning home after surviving his first battle.

Not bad, he thought. Not bad.
“No one realizes how beautiful it is to travel until he comes home and rests his head on his old, familiar pillow.” -Lin Yutang


Monday, June 8, 2009

[:)] "GENESIS: not the bus line :P"

Everyone's got a story to tell.
But not everyone is given the chance to share.
A lot of times, in the course of this young man's existence, he was given the chance to speak his thoughts. A lot of times, he was showered with opportunities to share with the world his infamous (most of the time, weird) stories.

For more than a decade, it was his uncanny choice of words that served as his sword. And it matched perfectly with the people's sheath. Be them hilarious true-to-life jokes or simple stories of his everyday survival, they listened. He was heard. His words were awarded with small words of flattery, and sometimes, too, they were smeared with uncouth insults. He loathes this kind of rejection, but he was heard nonetheless.


Now, he starts all over again.
This time, with a sharper blade..

The aim is not to amaze or astonish,
I plan to enthuse..

after all..
..this is just Brian.
..nothing out of the ordinary :)